Thursday, July 15, 2010

MATATAG PARIN ANG REPUBLIKA NI JUAN

Sa patuloy na kumakapal na bulsa ng Malakanyang
Sa mabagal na pag-usad ng mga buwayang mangmang
Sa patuloy na pagsasamanlata sa aking bayan
Sa mga walang pakialam…

Sa isanlibo’y isang pares ng mga matang dilat
Sa isanlibo’t isang nagkukubling mga ngiting huwad
Sa mga sugat na dulot ng mga pang hubad
Sa mga kalsadang basag…

Sa mga kumakalam at kinakalawang na sikmura
Sa din a mabilang na bibig nakatunganga
Sa matayog na bundok ng nilalangaw na basura
Doon… doon sila umaasa!!

Sa mga kabataang kaibigan ay droga
Sa mga lipunang nananatili ang piring sa mga mata
Sa isanlibo;t isang pars ng mga bagsak na mukha
Sa kakapirasong pag-asa…

Labinlimang pares ng mga gumagalang kaluluwa
Walang pinanggalingan, saan nga ba papunta?
Sa mg kumikita sa kalakaran ng laman
Sa mga wala nang makapitan…

Sa demokrasyang ibinaoon na sa limot
Sa mga karapatang inamag na’t inalikabok
Sa pagbabagong kaytagal nang abot tanaw
Ngunit hindi abot kamay…

Bakit may naglalakad ng nakapaa?
Bakit may mga taong kumakain ng basura?
May nagbebenta ng laman, lumalamon ng droga…
Sino nga bang may sala?!

Ikaw na pakalat-kalat na oportunista
Nagsasalita sa harap ng dambana
Di pansin ang mga rali’t demonstrasyon
Ikaw na nasa posisyon!!

No comments:

Post a Comment