Thursday, July 15, 2010

BUKAS PA

May mga pagkakataon sa buhay ng tao na hindi na nya alam kung ano nga ba taaga ang makapagpapasaya sa kanya. Pamilya? Kaibigan? Minamahal??
Marami akong tanong sa mundo. Ang ilan sa mga yun, hanggang ngayon hindi ko pa nahahanapan ng kasagutan. Minsan naiinis ako sa sarili ko. Madalas kasing mahanapan ko ang sagot sa mga tanong ko pero hindi ko yun pinpansin—dahil iba ang sagot na hinihintay ko.
Tulad ngayon. Ilang ulit ko na bang tinanong kung totoo nga bang mahal nya ko?? Oo. At ilang beses ko na ring nasagot ang tanong na yun. Mahal nya nga ako.
Gusto kong maging masaya. Gusto kong ipagdiwang yung araw na nalaman kong mahal nya nga ako talaga. Ano pa nga ba ang mas sasaya pa—nalaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo… nalaman mo na higit pa sa pag-aalala mo sa kanya ang pag-aalala nya sayo.. na ipinangako nya na sayo lang sya… may mas sasaya pa nga ba dun? Sa tingin ko kasi wala na. Mahal ko sya. Sobrang mahal nya ‘ko… masaya diba?
Oo. Masaya nga sana. Pero… iba nga yata talaga yung takbo ng utak ko. antagal kong hinitay yung pagkakataong to—na malamang mahal nya rin ako. Tapos nung nandito na, bigla ko naman syang tinalikuran. Ewan. Natatakot kasi ako na baka kapag binigyang pansin ko yung namumuong pagtitinginan saming dalawa, baka magkailangan lang kami. Yung tipong—pag nagsawa na kami sa isa’t isa eh bigla nalang kaming magkakalimutan? Natatakot ako. Ayokong mawala sya sakin… kaya ko tinalikuran nalang ang pagkakataong mas mapalapit pa sa kanya.
Siguro, kung ibang tao lang ako, I will be pleased to grab the opportunity of having him as mine… pero hindi eh. Hindi ko gawain yun. Ewan ko nga ba—ayokong magkakaroon ng kahit konting feelings para sakin yung taong mahal ko. Wala lang. Ayoko kasing I take for granted lang ako. Haay.
Aaminin ko, nung una masaya talaga ako. Sobrang masaya. Panong hindi? Nung hindi pa kami seryoso sa mga nararamdaman namin, (nagbibiruan lang kasi kami nung una) halos buong maghapon na magkasama kami. Magkahawak ng kamay. Sobrang sweet. Sabi nga nila, relasyon nalang daw ang kulang saming dalawa. I guess that would be it. Ayoko kasi nang commitment. Umabot pa kami sa puntong nagsasabihan kami ng MAHAL KITA kahit wala naman kaning relasyon. Para kaming mga bata noon. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid samin—ang alam lang namin, masaya kami pag magkasama. Masaya sana… kung hindi lang ako natauhan. Kung hindi ko lang sana naisip na kahit sobrang mahal na namin ang isa’t isa, may limitasyon parin kami—after all, wala naman kaming relasyon. Hindi parin maganda na kahit mahal namin ang isa’t isa eh daig pa namin ang magkasintahan.
Tama. Ako nga ang unang tumapos sa kwentong akala ko eh wala nang katapusan. Inisip ko noon, habang buhay na akong magiging masaya. Hindi pala. Lahat talaga may hangganan.
Sa ngayon… mahal ko parin sya. Siguro… mahal nya parin ako. Pero hindi na kami tulad ng dati. Hindi na ako masyadong lumalapit sa kanya. Umiwas ako. Hindi lang sya ang nakapansin na iniiwasan ko na sya—lahat. Napansin ng mga classmate namin na hindi na nga kami tulad ng dati. Lagi nila akong tinatanong. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na—ayoko na sa kanya. Hindi parin naman ako sinungaling kahit papano.
Ayokong pangunahan ang sitwasyon—lalo ngayon na magulo para sakin ang lahat. Pilit ko parin kasing itinatali ang sarili ko sa aninong ginawa ko noong high school pa ako. Tinapos ko na yun. Pinutol ko na ang kung anumang mag-uugnay saming dalawa—na dapat eh noon ko pa ginawa.. Kailangan pa ng isang RR para lang magawa ko yun.. well… salamat narin… magiging masaya naman siguro ako… bukas…

No comments:

Post a Comment