Hindi pagiging makasarili ang mabuhay nang naaayon sa iyong kagustuhan. Ang pagiging makasarili ay ang mabuhay ng naayon sa kagustuhan ng iba, lalo’t hindi mo naman kaya. Mabuhay ka sa sarili mong pamamaraan. Hindi ka dapat laging sumusunod sa anino ng iba, dahil sa pagsikat ng araw, ang aninong iyong sinusundan ay maglalaho. Subalit kung lalandasin mo ang iyong buhay sa iyong kagustuhan, lumubog man at muling sumikat ang araw ay siguradong hindi mauubos ang lupang iyong nilalakaran. Sapagkat maaaring maubos ang liwanag sa iyong pakikipagsapalaran, ngunit mananatiling tuwid at may patutunguhan ang iyong paglalakbay.nauubos ang liwanag subalit hindi ang determinasyon. Hindi ang pag-asa.
Wow!! Nose bleed!!
Hindi naman kailangan magpakapormal, hindi ba? Ang nais ko lamang ay ang ipamahagi sa mga mamababasa ang nilalaman ng aking isipan. Iyon naman ang mas mahalaga. Ang maunawaan ng iyong mga mambabasa ang nais mong ipahiwatig. Higit na mahalaga na magkaunawaan ang manunulat at mamababasa kaysa sa pormalidad.
Halos dalawang taon na ang nakalilipas. Isa rin ako sa mga manunulat ng pahayagang ito. Sa loob ng halos dalawang taon ng pamamalagi sa CLSU, marami akong natutunan. Higit pa sa kung ano ang koneksyon ng Math sa buhay ko, higit pa sa kahalagahan ng Edukasyon sa buhay ng tao. Anu ano ang mga iyon? Halika… basahin mo!!
Ang talata sa itaas ang naging sagot ko nang tanungin ako n gaming guro kung paano daw ba dapat nabubuhay ang isang tao. Pero syempre, dahil mahaba yan, hindi ko sinabi lahat. Tama naman hindi ba? hanggang wala kang karapatang natatapakan at hanggang walang nasasaling na pagkatao, karapan mong mabuhay ng naayon sa sarili mong kagustuhan. Hindi mali ang mabuhay sa sarili mong pamamaraan. Hindi mali ang maglakad sa kalsadang bagong semento. Maliban na lamang kung pilay ka, maaari kang magpatulong. Wag kang ma-pride. Pero kung kumpleto naman mga paa mo, kung hindi mo naman kinakailangan gumamit ng saklay para maglakad, maaari ka naming maglakad mag-isa. Tiyak na mas malayo pa ang mararating mo. Kaya ka nga binigyan ng dalawang paa. Para lumakad. Para maglakbay. Para marating ang mga destinasyon mo sa buhay. Hindi para tapakan ang pagkatao ng iba. Hindi para yurakan ang karapatan ng kapwa mo tao.
Maikli lang ang buhay. Gasgas man ang linyang yan, kinakagat parin ng masa. Kasi totoo. Malay mo, matapos mong basahin ang lahtalaing ito, isang kurap mo lang katabi mo na si San Pedro, hindi ba? Wag kang OA magreact. Seryoso ako. Hindi mo naman kasio hawak ang buhay mo. Hawak yan ni Bro, tanong mo pa kay Santino. Kaya habang maaga pa, gawin mo na lahat ng mga bagay nasa tingin mo eh makapagpapasaya sayo. Kung sa tingin mo masaya tumalon sa itaas ng billboard ng Gibi shoes dun sa tulay ng Valdefuente, sige lang! kung sa tingin mo naman mas masaya samahan si Kuya Kim sa mga adventures niya, bahala ka. Basta ba masisikmura mong kumain ng hilaw na talangka at langgam na gumagapang sa puno ng bayabas. Yumyum!! Pero kung hindi ka na masaya sa mga ginagawa mo, pwede ka naman wag kang matatakot na sumubok ng panibago. Hindi ka naman kasi habangbuhay na mapapasaya ng mga bagay na gingawa mo. Parang sa tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mapapasay ka ng mga taong nakapaligid sayo. Darating at daratin g talaga sa puntong magasasawa ka rin. Kahit pigilan mo ang oras. As if kaya mo? Oo. Kahit pa alisin mo ang baterya sa orasan nyo sa bahay, ganun talaga yun. Kasama talaga yun sa buhay. People change, changes stays. Bakit ko sinasabi ‘to? Kasi totoo. Kaya habang may oras ka pa, gawin mo na lahat. Subukan mo lahat. Wag lang yung below the belt, magagalit si Pacman!!
Bakit ko isinali si Pacman? Kasi idolo sya ng kapatid ko (hi glecy!). Idol nya din si Aling Dionesia. Hindi daw sya makapagdecide kung sino mas idol nya. Pareho daw kasing cute. Ganyan tayo minsan. Nahihirapan tayong pumili kung sino o ano nga ba ang mas dapat nating pahalagahan. Naiipit tayo sa sitwasyon kung saan kailangan nating mamili sa pagitan ng mga bagay na nakapagpapasaya sa atin at sa mga bagay na napapasaya natin. Lalo na kung pareho silang mahalaga sayo. Sa ganitong sitwasyon ng buhay, higit na mahalaga ang pang-unawa. Kung mas pipiliin mo yung nakapagpapasaya sayo, dapat maunawaan yun ng mga taong mapapasaya mo. Kailangan nyang tanggapin ang katotohanan na hindi lang naman sya ang nangangailangan sayo. Hindi rin naman kasi ibig sabihin na dahil mas pinili mo yung isa, ayaw mo na dun sa isa pa. kaya mga mas pinili eh. Kasi kung may choice, syempre mas gusto mo parin both, diba?
Sa totoo lang, par asana kay Manny Villar ay Noynoy Aquino ang lahtalaing ito. Bakit kailangang iboto si Villar? Bakit kailangan tumakbo ni Noynoy? Ano ang naisip ni Edu at tumakbo syang bise ni Gibo? Ano ang problema ni Erap na hindi problema ni Ping? Walang nakakaalam. At siguro, kung sasabihin ko man ang paniniwala ko hinggil sa mainit na isyung ito, marami ang magrereact. Kanya kanya naman kasi tayo ng mga paniniwala. Maaaring iba ang prinsipyong pinaniniwalaan ko sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo. Kaya hahayaan ko nalang sa kamay ni Ampatuan ang mga bagay na ito.
Bago ako magpaalam, nais kong taos pusong magpasalamat sa muling pagtanggap sakin ng pahayagang ito. Maraming salamat po!! Hanggang sa muliJ
Facebook Badge
Monday, June 21, 2010
lesson plan
Subscribe to:
Posts (Atom)